MEANT TO BE? [short story]
“Venti caramel macchiato and a slice of oreo cheesecake, please.” Sinabi ko doon sa crew habang nakatingin sa mga pagkain sa stante. Hay. Another boring evening na namn mag-isa. Talk about forever alone. Routine ko na yata ang magpunta dito sa Starbucks tuwing nakakaramdam ako ng lungkot. Nakakarelax kasi dito eh.
“Is that all, ma’am?”
“Um.. er.. yeah.”
“That would be 300 pesos ma’am.” Inabot ko ang 500 peso bill mula sa aking sequined purse. Binigay niya ang sukli sa akin at tinanong ang pangalan ko para sa claiming ng order. “Amanda.” Pagkatapos kong sabihin ang aking pangalan ay pumunta na ako sa isa sa mga upuan at hinintay ang aking inumin at pagkain.
“One venti caramel macchiato and a slice of oreo cheesecake for Amanda!” Pumunta na ako sa waiting area or claiming area or kung ano man ang tawag nila dun at kinuha na ang order ko. Pabalik na ako sa aking table pero may nabunggo akong lalaki dahilan upang matapon sa akin ang super init na coffee. Ouch.
“Oh f*ck! I’m sorry!” Nag-aalalang sabi nung guy sa akin habang pinupunasan niya ako gamit ang kanyang panyo kahit wala namang epekto. Hahaha. Ang hapdi ng balat ko.
“No, it’s fine. It wasn’t your fault anyway. Aksidente lang yun.” Hinawakan ko siya sa balikat niya para tigilan na niya ang kapupunas. Tumigil naman siya at nagkatinginan kami sa mata. That… eyes… that eyes reminds me of someone. That eyes looks… familiar.
“Ugh, miss? Have we met before?” Tinanong niya na may halong pagkalito sa akin. OMFG. Hindi lang pala ako ang nakapansin kundi siya din. Saan kaya kami nagkita o paano namin namukhaan ang isa’t isa? Then suddenly, may naalala ako.
Nasa swing ako noon, umiiyak. Umiiyak ako kasi kinuha ng kalaro ko yung lobo ko. Iyak ako ng iyak hanggang sa may tumabi sa akin. Lalaki siya. Brown ang kanyang mga mata at mahaba ang mga pilikmata. Tinanong niya kung bakit ako umiiyak at sinabi ko ang dahilan. Hinila niya ako kung saan. Akala ko noon ay aawayin niya ako o kaya ay galit siya sa akin. Yun pala ay ibibili niya ako ng bagong lobo. Pagka-abot niya sa akin ng pulang lobo ay niyakap ko siya. ”Thank you.” Yun na lamang ang nasabi ko.
“Hehehe! Wag ka na iiyak. Pangit daw sa babae ang umiiyak eh. Sabi ng mommy ko kapag may nang-aaway daw sa taong pinapahalagahan ko, ipagtanggol ko. Gusto kita ipagtanggol sa mga umaaway sayo hanggang sa lumaki tayo! Payag ka ba dun?”
“Sige, promise?” Itinaas ko ang aking hinliliit.
“Promise.” Itinaas niya din ang hinliliit niya at nag-pinky promise kami. Ilang buwan ko din siyang nakalaro at gaya nga ng sabi niya, palagi niya akong pinagtatanggol sa mga nang-aaway sa akin. Napagpasiyahan namin na wag sabihin ang pangalan namin sa isa’t isa kaya B1 at B2 ang aming tawagan. B1 siya at ako naman si B2. Sasabihin na lang namin ang aming tunay na pangalan kapag tumuntong na kami ng 13 years old. Hindi kami mapaghiwalay noon hanggang sa isang araw ay namatay ang aking mga magulang sa isang car accident. Kinuha ako ng tita ko na naninirahan sa Massachusetts kaya ako nahiwalay kay B1. Ilang taon din akong nanirahan doon ngunit napagpasiyahan kong dito muli tumira sa Pilipinas.
“B1?!” “B2!?” Sabay kaming nagsalita nung lalaki. Siya nga. Siya nga ang lalakingpinrotektahan ako nung may nang-aaway sa akin. Natawa kami pareho.
“Oras na siguro para magpakilala ako. Ako nga pala si Hunter.” Inabot niya ang kamay niya at nakipagshake-hands naman ako. “Amanda. Amanda naman ang pangalan ko.” Ngumiti siya at ngumiti din ako. I’ve never been so happy like this since then. Lumakas din ang tibok ng puso ko.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. “Amanda.. or B2, diba sabi ko sayo noon ipagtatanggol kita? Ayaw ko na ulit mawalay ka sa akin. Ang daya mo kasi eh, nang-iiwan ka ng hindi nagpapaalam. Ang hirap kaya ng walang makulit na kalaro. Namiss kita. As I was saying, gusto ko nasa tabi kita palagi kaya will you be my girlfriend?” Woah. On the spot. That’s my B1!
“Yes, Hunter!” Niyakap niya ako. Dun lang namin na-realize na basa pa pala ako ng coffee. Pareho na kaming nanlalagkit but who cares anyway?
Basta ang alam ko, kasama ko na ang taong matagal nang hinahanap ng aking puso.
* * * * * T H E E N D : ) x * * * * *
———————————————————————————————————
Whatcha think? :)
(Source: xianneaubrey)







